Pangunahing Kaalaman sa Pakikipagkasundo

Impormasyon kung paano nagagawa ang mga kasunduan at kung paanomakakatulong ang iyong paglahok na makakuha ng mga patas na kontrata


Ano ang kolektibong pakikipagkasundo?

Ang kolektibong pakikipagkasundo ay ang legal na proseso kung saan ang isang unyon ng manggagawa at employer ay nakikipagnegosasyon ng isang kontrata na sinasakop ang mga tuntunin at kondisyon ng pagtatrabaho. Kabilang dito ang mga sweldo, oras ng trabaho, bayad na pagliban sa trabaho, benepisyo, seguridad ng trabaho at proteksyon laban sa hindi patas na pagtrato o pagpapatalsik sa trabaho.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kontrata?

Ang pagkakaroon ng kontrata ay nangangahulugang ang namamahala ay hindi maaaring basta magdesisyon nang mag-isa para gumawa ng mga pagbabago tulad ng pagbabawas ng sweldo at benepisyo, pagtatanggal ng mga empleyado, pagkakaroon ng paborito at pagpapalit ng iskedyul at araw ng bakasyon. Tinitiyak din mga kontrata na mayroong paraan para sa daing at arbitrasyon na pinoprotektahan ang mga miyembro kung nilabag ng employer ang kasunduan. 

Paano tayo makakakuha ng magandang kontrata?

Kailangan nating buuin ang atinng kakayahan sa pakikipagkasundo. Ang kakayahan sa pakikipagkasundo ay ang kakayahan na makamit ang ating layunin sa pakikipagkasundo at mapalakas ang ating kontrata. Nagmumula ito sa ating pagkakaisa— ang ating determinasyon at pagnanais na magsamasama. Ang pagkilos para ipakita sa ating employer na sinusuportahan natin ang Komite sa Pakikipagkasundo ay makapagpapadala ng mensahe na hindi tayo kontento sa kasalukuyang kalagayan o mga hinihingi ng ating employer. Kapag nakita ng employer natin na nagkakaisa tayo, nagbibigay ito sa atin ng mas malakas ng posisyon sa isinasaayos na kasunduan.

Ano ang nangyayari sa mga negoasyon?

Nagaganap ang mga negosasyon sa isinasaayos na kasunduan kung saan nagsasama-sama ang mga kinatawan mula sa ating employer at ang ating lokal na unyon upang magmungkahi at pag-usapan ang mga panukala. Ang bawat panig ay may caucus (hiwalay na pagpupulong), gagawa ng mga kontra panukala, susubukan ang mga ideya at maghahanap ng mga paraan para mapagkasundo ang mga pagkakaiba. Magkapareho ang interes ng unyon at ng employer: pareho nilang gustong umunlad at lumago ang employer. Ngunit ang unyon at ang employer ay maaaring may magkaibang pananaw sa mga isyu tulad ng pagpapahusay ng ekonomiya at kaligtasan ng trabaho. Ang layunin ay magkaroon ng kasunduan na kapwa katanggaptanggap at may benepisyo sa employer at mga kasapi ng unyon.

Anong uri ng mga panukala ang pinag-uusapan sa mga negosasyon?

Ang mga panukala ay maaaring mga pagtaas ng sweldo hanggang sa kondisyon sa kaligtasan. Sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga panukalang kontrata sa mga sumusunod na kategorya: Mga panukalang ekonomiko, tulad ng sweldo, benepisyo, pagreretiro at pangangalaga sa kalusugan.

Hindi ekonomikong bagay, tulad ng pamantayan sa kaligtasan, pahinga, paraan ng pagdaing at seniority

Maaari bang bumoto ang mga miyembro sa isang pansamantalang kasunduan?

Ang mga kasapi ng unyon na may mabuting katayuan ay maaaring bumoto para pagtibayin o tanggihan ang isang pansamantalang kasunduan. Ang iyong komite sa pakikipagkasundo ay maaaring gumawa ng mungkahi tungkol sa panukalang kasunduan.

Ano ang mangyayari kung hindi natin natapos ang negosasyon bago ang petsa ng pagtatapos ng kontrata?

Kung ang employer at unyon ay hindi umabot sa isang kasunduan sa petsa ng pagtatapos ng kontrata, mayroon tayong tatlong opsyon.

Ang unyon ay maaaring:
• Makipagnegosasyon sa pagpapahaba ng lumang kontrata, o
• Patuloy na magtrabaho habang mas ginigipit natin ang namamahala at mas pinapatibay ang kakayahan sa pakikipagkasundo, o
• Mag-welga.

Sa parehong paraan, ang employer ay maaaring:
• Makipagnegosasyon sa pagpapahaba ng lumang kontrata, o
• Magpatuloy sa operasyon habang nakikipagnegosasyon sa unyon, o
• Pagbawalan ang nakikipagkasundong yunit.

Karaniwan sa mga lokal na unyon ang makipagkasundo na lampas sa petsa ng pagtatapos ng kontrata dahil ang dalawang partido ay nagkikipag-usap sa proseso ng pakikipagkasundo at lalong mapalapit sa isang kasunduan.

Upang maabot ang isang patas at makatwirang kontrata, dapat tayong maging handa na gumawa ng aksyon para ipakita sa ating employer na tayo ay nagkakaisa at sinusuportahan ang ating Komite sa Pakikipagkasundo.